Ikaapat na Markahan

Browse our 250,000+ quizzes tagged to specific skills in more than 50 curricula and standards

TRY FOR FREE NOW

Natutukoy ang tamang pagpaqpakahulugan sa sekswalidad
Nasusuri ang ilang napapanahong isyu ayon sa tamang pananaw sa sekswalidad
Nahihinuha na: Ang pagkakaroon ng tamang pananaw sa sekswalidad ay mahalaga para sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay ng isang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya sa kanyang bokasyon na magmahal
Naisasagawa ang tamang kilos tungo sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang bokasyon na magmahal
Nakikilala ang mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral na karahasan sa paaralan
Nasusuri ang mga aspekto ng pagmamahal sa sarili at kapwa na kailangan upang maiwasan at matugunan ang karahasan sa paaralan
NaipaliLiwanag na: Ang pag-iwas sa anomang uri ng karahasan sa paaralan (tulad ng pagsali sa fraternity at gang at pambubulas) at ang aktibong pakikisangkot upang masupil ito ay patunay ng pagmamahal sa sarili at kapwa at paggalang sa buhay. Ang pagmamahal na ito sa kapwa ay may kaakibat na katarungan – ang pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya (ang kanyang dignidad bilang tao.); May tungkulin ang tao kaugnay sa buhayang ingatan ang kanyang sarili at umiwas sa kamatayan o sitwasyong maglalagay sa kanya sa panganib. Kung minamahal niya ang kanyang kapwa tulad ng sarili, iingatan din niya ang buhay nito.
Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang maiwasan at masupil ang mga karahasan sa kanyang paaralan
Natutukoy ang kahulugan ng Agwat Teknolohikal
Nasusuri ang: pagkakaiba-iba ng mga henerasyon sa pananaw sa teknolohiya at; ang implikasyon ng pagkakaroon at di pagkakaroon ng access sa teknolohiya
Nahihinuha na: Ang pag-unawa sa pagkakaiba ng mga henerasyon sa pananaw sa teknolohiya ay makatutulong sa pagpapaunlad ng pakikipag ugnayan sa kapwa.; Ang pag-unawa sa konsepto ng Agwat Teknolohikal ay mahalaga sa pagsusulong ng moral na karapatan ng tao sa pantay na oportunidad kaugnay ng pagpapaunlad ng antas ng kanyang pamumuhay.
Nakapaghahain ng mga hakbang para matugunan ang hamon ng hamon ng agwat teknolohikal
Natutukoy ang mga epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino
Nasusuri ang mga sanhi ng migrasyon sa pamilyang Pilipino
Nahihinuha na ang banta ng migrasyon sa pamilyang Pilipino ay mapagtatagumpayan sa tulong ng pagpapatatag ng pagmamahalan sa pamilya at paghubog ng pagkatao ng bawat miyembro nito
Naisasagawa ang mga angkop at konkretong hakbang sa pagiging handa sa mga epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino

Looking for more resources?

Browse all quizzes

Why is Quizalize the best quiz platform for your classroom?

New to Quizalize?

Learn how to leverage Quizalize in the classroom