Ikatlong Markahan

Browse our 250,000+ quizzes tagged to specific skills in more than 50 curricula and standards

TRY FOR FREE NOW

Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng kapwa at mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat
Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat o kawalan nito
Napatutunayan na ang pagiginig mapagpasalamat ay ang pagkilala na ang maraming bagay na napapasaiyo at malaking bahagi ng iyong pagkatao ay nagmula sa kapwa, na sa kahuli-hulihan ay biyaya ng Diyos. Kabaligtaran ito ng Entitlement Mentality, isang paniniwala o pag-iisip na anomang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin. Hindi naglalayong bayaran o palitan ang kabutihan ng kapwa kundi gawin sa iba ang kabutihang ginawa sa iyo.
Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pasasalamat
Nakikilala ang: mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal; bunga ng hindi pagpapamalas ng pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad
Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad
Nahihinuha na dapat gawin ang pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad dahil sa pagmamahal, sa malalim na pananagutan at sa pagkilala sa kanilang awtoridad na hubugin, bantayan at paunlarin ang mga pagpapahalaga ng kabataan
Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad at nakaiimpluwensiya sa kapwa kabataan na maipamalas ang mga ito
Nailalahad ang mga kabutihang ginawa niya sa kapwa
Natutukoy ang mga pangangailangan ng iba’t ibang uri ng tao at nilalang na maaaring tugunan ng mga kabataan
NaipaliLiwanag na: Dahil sa paglalayong gawing kaaya-aya ang buhay para sa kapwa at makapagbigay ng inspirasyon na tularan ng iba, ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay ginagawa nang buong-puso
Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa isang mabuting gawaing tumutugon sa pangangailangan ng kapwa
Nakikilala ang: kahalagahan ng katapatan; mga paraan ng pagpapakita ng katapatan, at; bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan
Nasusuri ang mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa katapatan
NaipaliLiwanag na: Ang pagiging tapat sa salita at gawa ay pagpapatunay ng pagkakaroon ng komitment sa katotohanan at ng mabuti/ matatag na konsensya. May layunin itong maibigay sa kapwa ang nararapat para sa kanya, gabay ang diwa ng pagmamahal.
Naisasagawa ang mga mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa salita at gawa

Looking for more resources?

Browse all quizzes

Why is Quizalize the best quiz platform for your classroom?

New to Quizalize?

Learn how to leverage Quizalize in the classroom