Unang Markahan

Browse our 250,000+ quizzes tagged to specific skills in more than 50 curricula and standards

TRY FOR FREE NOW

Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may positibong impluwensya sa sarili
Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan,pagtutulungan at pananampalataya sa isang pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood
Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa
Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya
Nakikilala ang mga gawi o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya
Nasusuri ang mga banta sa pamilyang Pilipino sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya
NaipaliLiwanag na: Bukod sa paglalang, may pananagutan ang mga magulang na bigyan ng maayos na edukasyon ang kanilang mga anak, gabayan sa pagpapasya at hubugin sa pananampalataya.; Ang karapatan at tungkulin ng mga magulang na magbigay ng edukasyon ang bukod tangi at pinakamahalagang gampanin ng mga magulang.
Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-aaral at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya
Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya o pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood na nagpapatunay ng pagkakaroon o kawalan ng bukas na komunikasyon
Nabibigyang-puna ang uri ng komunikasyon na umiiral sa isang pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood
Nahihinuha na: Ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay nagbibigay-daan sa mabuting ugnayan ng pamilya sa kapwa. ; Ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita, di-pasalita at virtual na uri ng komunikasyon ay nakapagpapaunlad ng pakikipagkapwa. ; Ang pag-unawa sa limang antas ng komunikasyon ay makatutulong sa angkop at maayos na pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya
Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na pampulitikal)
Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang panlipunan at pampulitikal na papel nito
Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na pampolitikal)
Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampulitikal na papel ng pamilya

Looking for more resources?

Browse all quizzes

Why is Quizalize the best quiz platform for your classroom?

New to Quizalize?

Learn how to leverage Quizalize in the classroom