Ikaapat na Markahan

Browse our 250,000+ quizzes tagged to specific skills in more than 50 curricula and standards

TRY FOR FREE NOW

Nakikilala ang mga pagbabago sa kanyang talento, kakayahan at hilig (mula Baitang 7) at naiuugnay ang mga ito sa pipiliing kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o negosyo
Napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na ginawa upang mapaunlad ang kanyang talento at kakayahan ayon sa kanyang hilig at mithiin
Napatutunayan na ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga pangangailangan (requirements) sa napiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports o negosyo ay daan upang magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa
Natutukoy ang kanyang mga paghahandang gagawin upang makamit ang piniling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o negosyo (hal., pagkuha ng impormasyon at pag-unawa sa mga tracks sa Senior High School)
NakapagpapaLiwanag ng kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Nahihinuha na ang kanyang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay dapat na nagsasalamin ng kanyang pagiging natatanging nilalang na nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat
Nakapagbubuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Natutukoy ang mga trabahong may mataas na lokal at global na demand
Nakikilala ang mga mapamimiliang kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay na angkop sa sariling talento, kakayahan at hilig
Napatutunayan na makatutulong ang sapat (updated and accurate) na impormasyon tungkol sa mga trabahong kailangan sa Pilipinas at sa ibang bansa upang mapili at mapaghandaan ang kursong akademiko o teknikal-bokasyonal na maaaring maging susi ng sariling tagumpay at ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
Nakabubuo ng profile ng mga trabahong mataas ang lokal at global na demand na angkop sa taglay na mga talento at kakayahan, pagpapahalaga at tunguhin
NaipaliLiwanag ang kahalagahan ng sistematikong pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay
Nakapagsusuri ng pagkakatugma ng mga pansariling salik sa lokal at global na demand upang makabuo ng pasiya sa pipiliing kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay
Napangangatwiranan na: Mahalaga ang pagtutugma ng pansariling salik sa lokal at global na demand upang makamit ang mga itinakdang tunguhin tungo sa pagpapaunlad ng sarili at pakikibahagi sa lipunan; Ang pagkamit ng mithiin sa buhay ay nagsisimula sa mabuting pagpili ng track at stream sa senior high school bilang paghahanda sa kurso o trabaho; ang mabuting pagpili ay ginagamitan ng mga hakbang sa paggawa ng mabuting pasya.
Nakapagpapasya ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhayna ayon sa sariling kagustuhan na angkop sa mga pansariling salik at lokal at global na demand

Looking for more resources?

Browse all quizzes

Why is Quizalize the best quiz platform for your classroom?

New to Quizalize?

Learn how to leverage Quizalize in the classroom