Ikalawang Markahan

Browse our 250,000+ quizzes tagged to specific skills in more than 50 curricula and standards

TRY FOR FREE NOW

Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao
Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, paaralan, baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa
Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kanyang katwiran, ang pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao
Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbahang paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan, baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa
Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral
Nasusuri ang mga batas na umiiral at panukala tungkol sa mga kabataan batay sa pagsunod ng mga ito sa Likas na Batas Moral
Nahihinuha na ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral (Natural Law), gumagaratiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at umaayon sa dignidad ng tao at sa kung ano ang hinihingi ng tamang katwiran, ay mahalaga upang makamit ang kabutihang panlahat
Naipahahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral na batas batay sa pagtugon nito sa kabutihang panlahat
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod
Nakapagsusuri kung ang paggawang nasasaksihan sa pamilya, paaralan o baranggay/pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod
Napatutunayan na sa pamamagitan ng paggawa, nakapagpapamalas ang tao ng mga pagpapahalaga na makatutulong upang patuloy na maiangat, bunga ng kanyang paglilingkod, ang antas kultural at moral ng lipunan at makamit niya ang kaganapan ng kanyang pagkatao
Nakabubuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit ang panayam sa mga manggagawang kumakatawan sa taong nangangailangan (marginalized) na nasa iba’t ibang kurso o trabahong teknikalbokasyonal
Naiuugnay ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad ng mamamayan at lipunan
Nakapagsusuri ng kwentong buhay ng mga taong inilaan ang malaking bahagi ng kanilang buhay para sa pagboboluntaryo
Napatutunayan na: Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga gawaing pampamayanan, panlipunan/ pambansa, batay sa kanyang talento, kakayahan, at papel sa lipunan, ay makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat; Bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay nakakamit sa pagtulong o paggawa sa mga aspekto kung saan mayroon siyang personal na pananagutan
Nakalalahok sa isang proyekto o gawain sa baranggay o mga sektor na may partikular na pangangailangan

Looking for more resources?

Browse all quizzes

Why is Quizalize the best quiz platform for your classroom?

New to Quizalize?

Learn how to leverage Quizalize in the classroom