HOME ECONOMICS

Browse our 250,000+ quizzes tagged to specific skills in more than 50 curricula and standards

TRY FOR FREE NOW

naisasagawa ang tungkulin sa sarili
naisasaugali ang mga tungkulin sa sarili upang maging maayos: nasasabi ang mga kagamitan sa paglilinis at pag-aayos ng sarili, naipakikita ang wastong paraan ng paggamit ng mga ito, naipakikita ang wastong pamamaraan ng paglilinis at pag-aayos, nasusunod ang iskedyul ng paglilinis at pag-aayos sa sarili
napangangalagaan ang sariling kasuotan: naiisa-isa ang mga paraan ng pagpapanatiling malinis ng kasuotan (hal., mag-ingat sa pag upo, pagsuot ng tamang kasuotan sa paglalaro, atbp); nasasabi ang gamit ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay; naisasaayos ang payak na sira ng kasuotan sa pamamagitan ng pananahi sa kamay (hal. pagkabit ng butones); Naitatabi ng maayos ang mga kasuotan batay sa kanilang gamit. (hal.,pormal na kasuotan at pangespesyal na okasyon)
napapanatiling maayos ang sariling tindig: naipakikita ang maayos na pag-upo at paglakad, naisasagawa ang mga gawain na nagpapanatili ng malusog na tindig tulad ng pag-iwas sa sakit sa pamamagitan ng pagkain ng masustansyang pagkain, pag-ehersisyo, atbp
naipakikita ang mabuting pag-uugali bilang kasapi ng mag-anak
nakatutulong sa pag-aalaga sa matatanda at iba pang kasapi ng pamilya: naiisa-isa ang mga gawin namakatutulong sa pangangalaga sa iba pang kasapi ng pamilya hal. pagdudulot ng pagkain, pag-abot ng kailangang kagamitan, pagkukwento at pakikinig; naisasagawa ang pagtulong nang may pag-iingat at paggalang
nakatutulong sa pagtanggap ng bisita sa bahay tulad ng: pagpapaupo, pagdudulot ng makakain, tubig, atbp); pagsasagawa nang wastong pag-iingat sa pagtanggap ng bisita. (hal., hindi pagpapasok kung di kakilala ang tao); pagpapakilala sa ibang kasapi ng pamilya
natutukoy ang angkop na mga kagamitan sa paglilinis ng bahay at bakuran
naisasagawa ang wastong paraan ng paglilinis ng bahay at bakuran
naisasagawa ang wastong paghihiwalay ng basura sa bahay
nakasusunod sa mga tuntuning: pangkaligtasan at pangkalusugan, paglilinis ng bahay at bakuran
nasusunod ang mga gawaing nakatakda sa sarili sa mga gawaing bahay
naisasagawa ang mgagawaing bahay nang kusang loob at may kasiyahan
nakatutulong sa paghahanda ng masustansiyang pagkain: napapangkat ang mga pagkain ayon sa Go, Grow, Glow food; nasusuri ang sustansiyang taglay ng mga pagkain sa almusal gamit ang “food pyramid guide “ at ang pangkat ng pagkain; nakagagawa ng plano ng ilulutong pagkain; nakapagluluto at nakapaghahanda ng pagkain
naidudulot ang nilutong pagkain nang kaaya-aya
naipakikita ang wastong paraan ng paggamit ng kubyertos (kutsara at tinidor): mga nasusunod ang tamang panuntunan sa pagkain angkop sa kultura
naisasagawa nang may sistema ang pagliligpit at paghuhugas ng pinagkainan

Looking for more resources?

Browse all quizzes

Why is Quizalize the best quiz platform for your classroom?

New to Quizalize?

Learn how to leverage Quizalize in the classroom